Wednesday, February 21, 2007
Ash Wednesday

Well, what has happened to me today???

Unang-una na lamang ay hindi ako nagising sa alarm ng cellphone ko - nakakataot iyun. Kaya pinalitan ko ng tone ang alarm ko kasi baka naman nasanay na ang tainga ko sa tone na iyon kaya wala na siyang pakialam kung mag-alarm man. At dahil doon, hindi ako nakapasok sa kaisa-isa kong klase: PE 1. 11:30 ako nagising. 10 AM ang pasok ko. E di wag na. 2 na absent ko doon.

Speaking of absences, may 3 absences na ako. At lahat ng iyon nangyari ngayong 2nd sem. Iyung dalawa ay sa PE 1, at iyung 1 araw na absent ko ay para sa subject ko na Polsci14, Bio1 at Math14 (grrr...). Libing ng lola ko noon kaya kahit pinilit nila ako na pumasok, umayaw pa din ako - para sa huli man lang pagkakataon makasama ko pa siya.
At napag-uusapan ang lola ko. Naalala ko siya ngayong Ash Wednesday. Naisip ko na hindi magtatagal at siya ay magiging abo na. Mawawala na ng tuluyan ang kanyang katawang lupa. At gaya nating lahat, doon tayo hahantong. Magiging abo. Abo na mawawala din ng tuluyan. Kahit anong pagpapagandang gawin mo, mawawala din iyan.

Sabi nga nila, sa klase ng buhay na mayroon tayo sa Pilipinas, sa kamatayan lang tayo nagiging pantay-pantay. Kahit gaano pa kaganda ang kabaong mo, damit o dami ng mga nakiramay balewala iyan dahil ibabaon ka din sa lupa o kung hindi man, iki-cremate ka. Magiging abo. Magiging abo.

Sa mga taong pinanghihinaan ng loob dahil sa pang-aapi ng iba, isipin niyo na lang na pare-pareho lang kayo na mamamatay at magiging abo. Mabubulok muna at magiging abo.

At sa mga nasa gobyerno, huwag kayo masyado sakim sa kapangyarihan, dahil magiging abo din kayo... tayo.

By the way, sa mga hindi naka-attend ng misa, huwag kayong mag-alala dahil sabi ng pari kanina, hindi naman ito isang day of obligation para sa mga Katoliko, bahala ka na kung gusto mong magpapahid ng abo sa noo mo. Pero sabi nga niya kanina, kahit hindi pa rin ito isang obligasyon para sa mga Katoliko, madami pa din ang nagpupunta. Dahil siguro sa alam natin at tinatanggap natin na sa abo tayo nanggaling, sa abo din tayo magwawakas.

Amen.

Nice one. Mula sa alarm hanggang sa abo.

Magandang araw sa lahat.

[bale, kumuha na nga pala ako ng dropping form at bukas ko na ito ipapasa]

Labels: ,

posted by Anonymouse @ 2/21/2007 07:56:00 PM   0 comments
Tuesday, February 20, 2007
Oh well...

Ito na ang pinaka-iiwasang bagay na ayaw kong mangyari sa buhay ko bilang mag-aaral dito sa UP: ang mag-drop ng subject.

Hangga't maaari, hangga't makakaya, kelangan pagsumikapan, kelangang magtiis, pero hindi ko akalain na kakailanganin kong magsakripisyo ngayon. Isasakripisyo ko ang siyang nag-iisang tinik, bukol, butlig, pantal, kulani at nunal sa buhay ko: ang Math; Math 14 to be exact.

Hindi na talaga kakayanin. Na-disappoin pa ako. Akala ko, ang 2nd exam ko ang magiging tagapagligtas ko. Nag-aral ko. Nireview ang dapat i-review. Pero ang resulta: mas mababa pa sa nakuha ko noong first exam. 45% ang nakuha ko sa 1st exam. Singko. Bagsak. Lalo naman ngayon. 25%. Singko. Bagsak. Supalpal. Siyet.

Sobra ang pagkadismaya ko. Alam mo iyung pakiramdam na alam mong ginawa mo ang lahat. Mas madami akong effort na ibinuhos ngayon sa paghahanda sa exam namin na ito. Pero what did I got? 25%. Ang masaklap pa, mas mababa sa unang exam ko. Siyet talaga.

Wala talaga, buwiset na talaga ang Math sa buhay ko (ewan ko sa'yo). Isinumpa ko na ito noong finals ko ng Math11 dati. At naging resulta pa ay pasado ako. Pero masama ang nagsasabi ng pagsusumpa sa isang tao. Masama iyun. Bad. Huwag niyo akong tularan. Pero, wala akong magagawa, iyon ang damdamin ko noong mga oras na iyon. Hindi ko naman lahat isinumpa, iyun lang nag-imbento ng what is the value of x if chuva is there over there at iyung mga basta ayoko nang isipin.

Well, wala na akong magagawa sa litanya ko. Drop na kung drop. Hindi naman masusukat ang pagkatao ko sa Math. Wala sa Math ang buhay ko.

Iyun lang. Drop na.

Labels: ,

posted by Anonymouse @ 2/20/2007 07:32:00 PM   0 comments
Wednesday, February 07, 2007
Paalam Inang...

Magmula noong Jan 26, hindi na ako mapakali. Iyun na ang huli kong pagbisita sa aking lola, Inang kung siya ay aming tawagin. Malala na ang sitwasyon niya. Hindi gaya noong huli naming punta doon. Nakakapgsalita pa siya at hindi pa niya kailangan ng oxygen. Pero sa Biyernes na iyon, hindi na siya makapagsalita, tumatango na lang siya at nilagyan na siya ng oxygen. Nakakaawang tingan si Inang sa ganoong sitwasyon. Dahil sa edad niyang 83, wala pa siyang naging malalang sakit. Malakas siya. Nakakapaglakad pa kahit hindi mo alalayan. Hindi pa maputi ang kanyang buhok. Halos itim pa ang lahat. Pero, iba na siya noong nakita ko.

Sabi sa amin ng kanyang doktor, mild stroke lang daw iyon. Makaka-recover pa si Inang. Medyo ako'y napailing dahil sa kanyang CT Scan result, may internal hemorrhage siya, napaka-imposible naman na may pumutok nang ugat at namuo na ang dugo, 'mild stroke' lang iyon. Pero dahil nagtitiwala ako sa doktor na sa pamamagitan niya ay gagaling na siya, balewala na sa akin iyon. Ang mahalaga, gagaling si Inang.

Pero naging malabo ang lahat. Tumagal siya sa ospital ng higit sa 2 linggo. At nagtanong na kami sa ibang doktor, sabi nila, hindi naman dapat ganun katagal ang pasyente sa ospital lalo naman at mild stroke lang ito.

******************

Simula pa lang noong na-confine ang aming si Inang, nagkaroon na daw siya ng premonition, na siya ay malapit nang pumanaw. Nakakita na siya ng mga mapuputi at nakakasilaw na ulap, mga anghel at inalayan siya ng isa sa mga anghel ng mga puting bulaklak. Doon pa lang, sinimulan na naming ihanda ang aming mga sarili sa nalalapit na niyang paglisan.

Pero sa kabila nito, Diyos pa rin ang bukambibig ni Inang. Sa tuwing may bumibisita sa kanya, siya palagi ang namumuno sa pagdarasal. Mangangaral ng mga aral sa Bibliya, may tatlo siyang mga talata sa Bibliya na siyang ipinangangaral niya, isa na doon ang. Juan 3:16. May dalawa pa na sa Juan at Mateo makikta ngunit nakalimutan ko ang numero. Sinasabi din niya na hinihiling niya sa Diyos na wag niyang alisin ang kanyang memorya. Sana daw kunin na niya ang lahat wag lang iyon. Hindi ko alam ang dahilan. Marahil, dahil ayaw niya na malimutan ang Diyos.

******************

Biyernes. Pebrero 2. 4:30 ng hapon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Uuwi na ako sa Bulacan pero ang mga paa ko ay ayaw umalis sa boarding house na tinutuluyan ko. Para bang, ang dami kong nalimutang gamit pero wala naman. Paalis na sana ako, pero kaya pala, may umalis na sa amin.

Noong mga oras na iyon ay abala din ang aking nanay at mga kapatid niya sa paghahanap ng ospital na malilipatan. Inaayos na nila ang arrangements sa PGH para doon ilipat. Masyado na kasi mahal ang ginagastos namin sa ospital na naka-confine ang lola ko pero hindi naman siya gumaling-galing. Kaya napagpasyahan nila na ilipat na lang kung pupwede pa. Naayos na nila ang lahat. Pero, wala pa silang alam sa mga nangyari.

Nasa bus na ako. Wala na akong naupuan kaya nakatayo ako. Tinext ko ang nanay ko kung magkikita ba kami sa Balagtas para dumalaw kay Inang. Sabi niya, wag na lang daw kasi nasa Maynila pa sila, umuwi na lang daw ako at wala pang nagluluto sa amin. Umuwi na nga ako ng diretso.

Sumakay na ako ng dyip. Nang nasa may Matungao na kami. Sa may tapat ng punerarya, hindi ko sinasadayng mapalingon sa may bintana; nahablot ng aking paningin ang sasakyan ng tito ko. Hindi ko nakita ang plaka, pero sigurado ako na sa kanya iyon. Biglang pumasok sa isip ko si Inang. Huwag naman sana.

Nakarating na ako sa bahay at sinabi agad sa kapatid ko ang nakita ko. Sabi niya, baka naman kapareho lang ng sasakyan ng tito namin iyun. Oo nga, baka nga kapareho lang dahil madami na akong nakita na katulad ng sasakyan niya dati. Pero, iba pa rin ang pakiramdam ko. Nasabi ko na lang sa kanya na baka may masama nang nangyari. Sabi agad niya na 'wag akong magsalita ng ganyan. Hindi maganda iyon. Oo nga, hindi tama. Dahil walang masamang mangyayari. At nananalig ako.

Kumain na kami. Nagluto ako ng noodles na lang kasi wala na kaming ulam sa ref. Hindi pa nakakapamili ang nanay ko dahil sa naging abala sila sa pag-aasikaso sa Inang namin nitong mga nagdaang araw. At habang kumakain kami, may kumatok sa pintuan namin. Wala sa isip namin na may masama na palang balita. Pagbukas ng pinto, agad niyang sinabi na: "Wala na si Inang.." Nagulat kami. Nagtanong ng mga nangyari. At doon nagtapos ang aming pag-uusap.

Nang malaman ko iyon, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Wala pang mga luhang pumatak. Nasabi ko na lang sa kapatid ko, "Tama pala ako."

Nawalan na ako ng ganang kumain. Pinilit ko na lang ubusin ito. Tapos, tumawag na ang tatay ko. Tinanong niya sa amin kung alam na ba namin ang balita. Sabi ko alam na namin. Tapos sabi niya ay kumain na kami at gagabihin na sila. Sabi ko ay tapos na.

Tumawag naman ang nanay ko, dama ko sa boses niya na umiyak siya kanina. Nangangatog ang boses niya. Pilit na pinalalakas ang sarili. Pero hindi maitatangi na umiyak siya. Sabi niya, "O kumain na kayo ha, si Inang wala na..."

******************

Wala na ako nasabi pa. Hanggang sa mag-gabi na. At nahiga na ako sa kama. Iniisip ko pa din ang mga nangyari. Pero hindi na ako nagulat. Matanda na si Inang. Tama na ang paghihirap niya. Oras na para siya ay magpahinga. Pero mahirap pa rin tanggapin. Lalo na sa kanyang mga anak.

******************

Kinabukasan, nagpunta na kami sa burol ng Inang namin sa bahay ng tita ko. Tahimik ang lahat. Kakaiba ang pakiramdam ng paligid. Hindi ito natural sa lugar na iyon; ang makaramdam ng kalungkutan.

Sa bahay na ito, madalas nagkakasama-sama kami ng buong mag-anak para kumain may okasyon man o wala. Masaya ang lahat. Maiingay na kwentuhan at tawanan ang maririnig mo. Pero ngayon; katahimikan.

Nakaupo sa may kabaong ng lola ko ang nanay at tita ko. Nag-uusap sila. Lumapit kami ng kapatid ko at nag-mano. Pagkatapos ay sumilip na kami sa kinahihimlayan ng Inang namin.

Hindi pa rin nagbago ang hitsura niya. Mas nagmukha pa siyang bata. Nandun pa rin ang kapansin-pansin niyang maitim pa rin na buhok. Pero hindi maitatanggi ang laki ng pinayat niya dahil sa ilang linggong pagkaka-confine sa ospital. Halos buto't balat na siya. Pero ang kanyang mukha ay hindi pa rin nagbago. Wala pa ring gaanong wrinkles sa noo. Sabi nga ng nanay ko, totoo daw pala na kapag namatay ang isang tao, bumabalik ang hitsura nito sa pagkabata.

******************

Nang nakita ko na ang Inang namin, wala pa ring mga emosyon. Gulat pa din ako. Hindi pa rin makapaniwala. Sabi nga nila, parang natutulog lang siya at mamaya lang ay gigising na siya. Pero hindi na mangyayari iyon, dahil patay na siya.

Bandang hapon ay kami naman ang nagbantay sa may sala kasama ng pinsan at kapatid ko. Natulog muna ang nanay at tita ko. At habang nakaupo ako doon, inisip ko ang mga nangyari. Pinagnilayan. At saka naiyak. Hindi ko na napigilan pa. Napahagulgol ako. Senyal man iyon ng pagiging mahina at hindi lalake, wala ako pakialam. Hindi ko alam pero siguro ako na ang pinaka-iyakin sa pamilya namin. Mas madalas pa ata ako umiyak kaysa sa kapatid ko o siguro sa kahit sino sa pamilya namin. Tawagin mo na akong bakla. Pero sa pag-iyak mas gumagaan ang pakiramdam ko, mas naitatanim sa utak ko ang mga aral at mga nangyari; gaya ng sa Inang ko.

******************

Bigla kong naalala ang mga pagkakataon na kung saan kapag ipinakikilala ako ng lola ko sa ibang tao palagi niyang binabanggit ang pangarap ko: maging presidente ng Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit niya madalas na sabihin iyon. Hindi ko ito pinahahalagahan. Ni hindi ko siya napasalamatan dahil siya ang unang naniwala sa pangarap ko.

Aaminin ko, kahit ako hindi ako nagtiwala sa sarili ko na matutupad ko iyon. Na hanggang pangarap na lang. Inspirasyon. Mahirap abutin. Pero si Inang, naniniwala na maabot at kaya ko iyon.

Ngayon, nagsisisi ako at hindi ko siya napasalamatan sa kanyang munting bagay na ginagawa para sa akin. Na ang simpleng pagbanggit ng pangarap ko na iyon sa ibang tao ay siya ngayo'y magiging isang malaking bagay upang pagsikapan at panindigan ang aking pangarap.

Inang, salamat. Tutuparin ko ang pangarap ko. Magiging presidente ako ng Pilipinas. Alay ko sa iyo ang magiging tagumpay ko.

******************

Dumaan ang mga araw ng kanyang burol. Nakakagulat ang dami ng mga taong nakikiramay at nag-aabot ng mga abuloy sa amin. Hindi namin alam na ganito karaming tao ang napamahal kay Inang. Wala kaming kamalay-malay na madaming malaking pagbabago na nagawa si Inang sa mga buhay ng mga taong ito.

Halos hindi nauubos ang bisita sa hapon at gabi. Umaga na lang ang oras ng pahinga namin pero minsan madami din ang pumupunta sa umaga.

Pero kung nakapunta kayo sa amin noong burol niya, hindi mo mararamdaman na nasa burol ka. Naghanda ang mga magkakapatid. Pinapakain ng tanghalian o hapunan ang mga nagpupunta. Hindi mo alam kung burol ba ito o isang handaan. Walang uuwi ng hindi ka busog. Lahat dapat kumain. Ang sabi pa nga, "sige na kumain ka na, ayaw ni Inang ng hindi kumakain.."

Marahil kaya sila naghanda dahil si Inang ayaw niya talaga ng hindi ka kumakain. Isusubo na lang niya, ibibigay pa sa iyo.

******************

Palapit na ng palapit ang araw ng kanyang libing. Parang hindi ko lubos maisip na ayan na, ililibing na si Inang, sa ilalim ng lupa. Hindi na namin masusulyapan ang kanyang mukha. Pero kailangang tanggapin, dahil doon din tayo lahat hahantong: sa kamatayan. May mawawala, may darating. Ganyang ang buhay. Minsan ang mga pinakamapapait at masasakit na aral ay kailangan mong matutunan sa paraan na hindi mo talaga magugustuhan at minsan sa kamatayan mo pa matutunan.

******************

Araw na ng kanyang libing. Ika-6 ng Pebrero taong 2006.

Nagising ako ng alas-siyete ng umaga. 12 na ng madaling araw kami natulog kagabi. Magkakatabi kami ng nanay at kapatid ko sa kama. Doon na kami pinatulog sa kwarto ng tita ko. Nasa paanan naman namin ang isa ko pang tita. Kaya isipin mo kung gaano kalaki iyon at nagkasya kami. Hindi naman iyon gaanong kalakihan pero dahil sa kagustuhang magpahinga, nagkasya kami.

Nag-kape at pandesal kami. Ang paboritong agahan ni Inang sa umaga. Lahat kami iyona ang almusal. Brewed coffee pa nga. Ngayon lang kami nag-ganoon. Sayang, hindi na ito natikman ni Inang.

Umuwi muna kami para mapalit ng damit at maligo. Alas-diyes ang misa ng Inang ko. Dapat sa hapon kaya lang walang mga pari sa hapon, may seminar daw sa seminaryo. Pero sa hapon ang libing niya.

Kulay puti ang sinuot naming damit. Hindi napagkasunduan pero ganoong ang sinuot naming lahat.

Sinabihan ako ng nanay ko na ako na daw ang magsalita mamaya sa harap para magpasalamat. Kasi baka hindi sila makapagsalita. Naiintindihan ko naman iyon. Pero siyempre, kinakabahan pa rin ako at pilit kong pinapawi na para kay Inang itong gagawin ko. Ngayon, pa lang ako magsasalita in-behalf ng aming buong pamilya at hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagawa ko iyon. Kaya pinagpraktisan ko na ang sasabihin ko.

Dumating ang misa. Iba na naman ang atmosphere. Sa homiliya, umiiyak halos ang lahat. Lalo na ang mga magkakapatid.

Bago pa ang libing, nagkaroon muli ng salu-salo sa pananghalian. Medyo napawi ang lungkot. Pero sigurado na mamaya. Muling babaha ang mga luha.

Alas-tres na ng hapon. Handa na ang lahat. Nagkaroon ng panalangin muna at sa hindi ko inaasahan, on-the-spot ay ako na naman ang pinagsalita sa harapan para magpasalamat. Sa ngayon, kaharap ang mas maraming tao. Nagsalita ako. Maikli lang. Nagpasalamat sa mga nakiramay at hiniling na isama si Inang sa kanilang panalangin. Mabuti na lang at medyo napigilan ko ang pag-iyak. Na-touch ako dahil sa dami ng mga tao na makikilibing. Iba talaga si Inang.

******************

Lumakad na ang lahat. At habang naglalakad, nariyan ang mga umiiyak; kasama na ako. Maganda ang kantang pinatugtog: Lead me Lord, ang pinakapaborito kong kantang-relihiyoso. Talagang mahalga sa amin, sa mga oras na iyon na ang Diyos ang manguna sa amin.

Malapit lang ang libingan ngunit parang isang buong araw kaming naglakad. Bumubuhos ang mga emosyon. Lalo na ng dumating na sa sementeryo. Sa huling sulyap kay Inang, dito na tuluyang bumuhos ang mga luha, nakabasag ng puso na makita ang mga taong malapit sa iyo na umiiyak. Lalong nakakalungkot na eto na ang huling pagkakataong masusulyapan namin siya. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nabubura sa aking isip ang mga pangyayari sa mga oras na iyon.

At iniligak na siya sa huli niyang hantungan. Wala na talaga siya. Hanggang doon na lang. Natahimik ang lahat. Siguro, kahit papaano, natanggap na nila na wala na si Inang. Wala na...

******************

Pagkatapos ng libing, nagkaroon muli ng huling pagsasama ng lahat sa isang hapunan. Iba na muli ang pakiramdam. Heto ang mga taong nanghihina dahil sa pagkawala ni Inang na nagsama-sama muli para damayan ang isa't isa at magbigayan ng lakas. At umaasa ang lahat na sana masaya na si Inang kung nasaan man siya, pero nakasisiguro ako na kapaling na niya ang Diyos at natamo na niya ang tunay na kaligayahang ipinangako sa atin.

******************

Paalam Inang. Magkikita din tayong muli. Maraming salamat sa panahong inilagi mo dito sa piling namin. Maging maligaya ka na diyan sa piling ng Panginoon.

Pangako. Magiging presidente ako ng Pilipinas.

Paalam.

Labels: , ,

posted by Anonymouse @ 2/07/2007 05:46:00 PM   0 comments
Friday, February 02, 2007
Roundup

Maybe I should now write a book entitled "The Art of Deferment". Well again, for the 3rd time in less than a year. I have defered 3 times in two organizations. Some of my readers would probably know that specially my latest deferment. Just last Wednesday or no.. it was since Monday when I chose not to go to their tambayan for the Mission Week.

My reason? I don't know what the reason is but when I did it again, "lumuwag ang pakiramdam ko at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko." Anyway, good day to all.

******************************************

Grabe talaga ang laming ng panahon ngayon. Very unusual. Maybe the El Nino has something tio do with it. Well, El Nino is an abnormal weather and climate phenomenon wherein the oceans warm up. Hanggang doon na lang ang sasabihin ko kasi hindi naman ako maalam masyado sa ganyan.

******************************************

Magmula nga pala nang nag-defer ulit ako. Napadalas na ang pagtambay ko sa Sunken Garden. At talaga nga namang sinuswerte ako kasi naman may mga lumapit na naman sa akin na mga nagpapahayag ng salita ng Diyos sa lugar na iyon. Mga Jehova's Witness. At siyempre, ayan basa sila ng Bibliya, nagturo ng ganito ganyan which some of them ay sinasang-ayunan ko, kaya lang, pa-gabi na iyun at dapat ay paalis na talaga ako nang lumapit sila.

Wala naman ako gumawa kundi makinig at sumagot. Tapos binigyan pa ako ng mga magasin nila at isang booklet. Hindi naman nanghingi ng donasyon, tapos inanyayahan pa ako sa kanilang mga bible study.

Dapat noong una pa lamang ay tatanggi na ako, pero dahil mabait ako *ehem* pinabayaan ko na sila. At ang mali ko pa ibinigay ko ang number ko, wowowee, para daw malaman nila kung kelan free time ko. Naku talaga naman.

******************************************

Umuwi ako sa bahay at binasa ang ilan sa kanilang magasin. Medyo napailing ako sa mga nakasulat doon. Lalo na iyung artikulo nila tungkol sa Simbahan Katolika. Totoo nga, unti-unti nang kumakaunti ang mga taong nagsisimba sa Europa. Halos wala na ngang pumapansin sa mga simbahan doon. Naging mga tourist spots na lang at architectural wonders.

Pero, iyung talagang nakatama sa akin ay iyun bang parang pinalalabas pa nila na ang Simbahang Katolika ay isang simbahang hindi totoo at dahil hindi ito totoo ay talagang nakatakda ito na bumagsak. Ouch.

At isa pa, pinalalabas nila na sila, mga Jehova's Witness, ay isang simbahang totoo at lumalakas at lumalawak ang kanilang simbahan. Siyempre, ano pa ba ang aasahan ko? Magasin nila iyon at alangan namang siraan nila ang kanilang sarili.

Mahirap talaga na gawing isang argumento ang relihiyon. Lalo na sa kung sino ang totoong simbahan; ika nga ang tunay na "Church of Christ."

Sasabihin ko na lang sa kanila na kung bakit lumilipat ang mga tao sa kanila at hindi lang sa kanila pati na sa mga nagsulputang relihiyon sa daigdig. Ang mga taong nandiyan sa kanilang samahan ay ang mga taong naghahanap ng isang relihiyon na babagay sa kanilang mga ginagawa. Ang mga lumilipat diyan ay naghahanap ng relihiyon na may convinience. Ang mga tao na lumilipat diyan ay siyang mga tao na nagahahanap ng instant na kaligtasan. At higit sa lahat, lumipat sila dahil hindi muna nila minahal, inalam at inaral ang mga turo ng Simbahang Katolika.

******************************************

Hanggang ngayon, nasa ospital pa rin ang aking Inang. Palala na ng palala ang kanyang kalagayan. At hindi ko maintindihan kung bakit may tao pala na kayang tiisin ang kanyang magulang. Nakakalungkot.

At mabanggit ko na ang taong iyon ay anak ng Inang ko at miymebro ng mga tinatawag na "Born-Again Christians."

Iyun ba ang itinuturo ninyo? Magdasal na lang tayo?

Pero, sana maayos na ang lahat at makaya namin ang isa na namang pagsubok sa aming pamilya.

******************************************

Labels:

posted by Anonymouse @ 2/02/2007 01:36:00 PM   0 comments

Buhay Ko

↑ Grab this Headline Animator


about me

blog readability test

Movie Reviews




Previous Posts
Archives
My Own Network

Chatbox

Counter

web site counters
Office Depot Coupon

Listings/Misc
Your Birth Month is March
You love life and exude an outgoing, cheerful vibe. Blessed with a great sense of humor, you can laugh at adversity. Your soul reflects: Respect, desire, and generosity Your gemstone: Aquamarine Your flower: Daffodil Your colors: White and light blue

Listed on BlogShares


My blog is worth $564.54.
How much is your blog worth?

Check PageRank

Your Life is 30% Off Track
In general, your life is going very well. You're quite happy with where you are and what you're doing. And even if you get a bit off course, you're usually able to get back on track easily.

You Are 33% Burned Out
You are a little burned out these days. You are mostly energized and happy, but you occasionally wear yourself down. Think about taking a personal day every so often. You work hard, and you deserve to give yourself a little break!

You've Changed 60% in 10 Years
You've done a good job changing with the times, but deep down, you're still the same person. You're clothes, job, and friends may have changed some - but it hasn't changed you.

You Should Be A Poet
You craft words well, in creative and unexpected ways. And you have a great talent for evoking beautiful imagery... Or describing the most intense heartbreak ever. You're already naturally a poet, even if you've never written a poem.

You Are 50% Weird
Normal enough to know that you're weird... But too damn weird to do anything about it!

Your Personality Is
Idealist (NF)
You are a passionate, caring, and unique person. You are good at expressing yourself and sharing your ideals. You are the most compassionate of all types and connect with others easily. Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings. You seek out other empathetic people to befriend. Truth and authenticity matters in your friendships. In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily. At work, you crave personal expression and meaning in your career. With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone. As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style. On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.

News Feed

Affiliates
15n41n1
 
 

Business Affiliate ProgramsCouponsPersonalsAdvertisingShopping