Thursday, March 29, 2007
Hindi ko ito ikakahiya

Nitong nagdaang linggo, bigla akong nagka-sakit o naipon na lang at nagkasakit ako noong Miyerkules. Pero hindi ko siya ipinaalam sa aking mga magulang kasi ayoko naman na mag-alala sila. Naisip ko na tulog lang ang kailangan nito. Kaya lang, hindi ako puwedeng matulog ng maaga. Madami ako na dapat pang gawin. Kasi ba naman, ito na ang mga huling araw ng ikalawang semester. ‘Ika nga abala na ang lahat. Kahit ang mga nagra-rally nawala muna sa eksena ng paglaban sa TOFI (Tuition and other Fees Increase) at kailangang mag-aral para sa mga exam at tapusin ang mga projects. Pero ako, nagkasakit. Sa lahat ng panahon ngayon pa.

Halos isang dalawang taon na din yata ang nagdaan mula ng huli akong magkasakit na talagang bed-ridden. At nagkataon pa sa panahong hindi ako dapat magkasakit. Pero wala na ako magagawa. Nariyan na siya at magpapagaling ako. Inom ako ng Biogesic kada apat na oras pero siyempre sa madaling araw hindi ko na nasusundan kasi hindi ako nagigising.

Pero noong Biyernes medyo maganda na ang pakiramdam ko pagkagising ko. Kasi nasundan ko na ng inom ng gamot kada apat na oras. Medyo hilo pa ako pero maayos na ako. Naisip ko na huwag nang pumasok para magpahinga talaga. Pero sayang naman kako at last day na namin sa PolSci, hindi ko na makikita si – ay hindi pala, eh basta saying. Hehe… Saka ko na lang naisip na wala na pala silbi ang 0.25 bonus ko doon kasi isang beses na ako lumiban noong namatay ang lola ko, dapat pala nag-absent na ako. Pero saka ko na naisip iyon nang nasa classroom na ako.

At ayun, sumakit na naman ang ulo ko at nilagnat ako. Pero siyempre, tuloy lang, hanggang sa umuwi na ako. Talagang bagsak na ako. Battery empty na. Hindi ko pa rin sinabi pero heto namang kapatid ko ay nahipo niya ang aking ulo na mainit. At iyun siyempre, madaldal (hehe…) sinabi na sa kanila. At madami pa napansin, namumutla daw ako, malalim eyebags ko, at lahat na.

Eh di siyempre, ang mamang malaki ay bumagsak na at inalagaan siya ng kanyang mga magulang. Punas ng punas para bumaba ang aking lagnat. Medyo kinabahan na nga ako kasi taas – baba ang aking lagnat. Inisip ko na ang lahat ng puwede kong sakit. Noong una, kasi masakit talaga ulo ko inisip ko baka may pumutok na ugat sa ulo ko (iyung nangyari sa aking lola…) pero sabi ko siguro una pa lang mangyari iyun eh na-paralyze na ako. Mabuti at hindi naman ganoon. Isa pa ay baka dengue kasi medyo madaming lamok doon sa boarding house na tinutuluyan ko. Pero hindi ko naman ang sintomas nito pero ang alam ko 3 – 4 days ata bago maging full – blown, pero naka 5 araw na, wala naman.

Sabi ng doktor namin, teka anu nga ba iyun… ah… trangkaso pero may viral infection ata sa lalamunan ko. Eh iyun sakit ko. Tapos bigay agad ng reseta. Dalawang gamot. Hanggang sa oras na tina-type ko ito ay umiinom pa rin ako. Binigyan din ako ng medyo malakas para sa chronic pain ng ulo o migraine na ata kasi talagang kumikirot ang ulo ko na para bang pinipiga na ang utak ko.

Sa awa naman ng Diyos ay gumaling ako at nakapasok ako noong Martes at nakakuha ng exam sa Bio1.

Sa gitna ng aking pagkakasakit, medyo nagka-kwentuhan kami ng aking mga magulang sa mga sakit ko noong bata pa ako. High school ako ng nalaman ko na kino-kombulsyon ako noong maliit pa ako (literally…). Tapos ngayon naman nalaman ko na kung bakit nagka-ganito ang itsura ng aking ngipin at [gums] ko. Kapag inaatake ako ng kombulsyon, nangingitim ako at kakagatin ko ang dila ko. Kaya nagkaganoon kasi nasa loob daw ang init at hindi ito lumalabas bilang pawis. At para maiwasan na makagat ang dila ko na kapag nakagat ko ay ikamamatay ko, pinapasakan nila ako ng kung anuman ang puwedeng makapigil sa pagkagat ko sa dila ko. Kutsara, iyung malalaking popsicle stick (anu ba tawag dun?) o kahit pa ballpen. Minsan sa sobrang panggigigil ko, nababali o nadedeform ko ang kutsara. Isipin mo na lang kung gaano ako kalakas kumagat. (Kaya huwag mo akong gagalitin baka kagatin kita. Hehe…)

May ilan sa mga kaibigan ko ang nagsasabi na ipaayos ko daw ang ngipin ko. Ipa-brace ko daw. Kasi sayang naman daw ang hitsura ko (mga nambobola lang) dahil may hitsura naman daw ako (aminado naman akong wala eh), iyung ngipin at [gums] ko na lang ang nakakasira. Naisip ko din iyun dati. Naiinis ako sa hitsura ng ngipin ko. Napapabukas ang bibig ko kasi hindi ayos nga ang posisyon kaya madalas nakanganga ako pero iniiwasan ko pa rin kahit na medyo mahirap. Gusto ko magpa-brace. Kahit kako mahal, basta maayos na lang.

Pero naisip ko, ayoko nang ipaayos ito. Gusto ko na maging alaala ito sa kung papaano ako iniligtas ng maraming beses ng aking mga magulang sa kamatayan. Gusto ko na kapag haharap ako sa salamin makikita ko ito lalo na kung matigas ang ulo ko. Pangit man tingnan, malaki naman ang naging epekto nito sa aking pagkatao. Malamang kung hindi isinakripisyo ang ganda ng ayos ng ngipin ko, malamang wala na kayong mababasa na article na tulad nito ngayon at wala na ako.

Hindi ko alam kung masyado naman akong nagiging sentimental. Naniniwala lang ako na unti-unti ko lang binubuo kung sino ba talaga ako. Ikaw ba kilala mo na kung sino ka? Ako hindi pa. Ayoko na makilala ang sarili ko sa pamamagitan ng kung ano ang gagawin ko ngayon at sa hinaharap. Naniniwala akong malalaman ko kung bakit ako ganito ngayon sa kung sino ako noong dati. Kasi ang saril na ating nakikita ngayon lalo na sa mga kaedad ko ay iyung rebellious self natin. Kumbaga, kasi akala natin hindi naman tayo iyung dati na sarili natin. Pero sa bandang huli, magsasawa din tayo at babalik sa tunay na tayo.

Pero sa ngayon, sa aking sarili, hindi ko ikakahiya ang hitsura ko. Dahil sa hitsurang ito, nabuhay pa ako. At mabubuhay pa ako hanggang sa dumating ang takdang panahon.

Amen.

Labels: , ,

posted by Anonymouse @ 3/29/2007 11:09:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
 

Buhay Ko

↑ Grab this Headline Animator


about me

blog readability test

Movie Reviews




Previous Posts
Archives
My Own Network

Chatbox

Counter

web site counters
Office Depot Coupon

Listings/Misc
Your Birth Month is March
You love life and exude an outgoing, cheerful vibe. Blessed with a great sense of humor, you can laugh at adversity. Your soul reflects: Respect, desire, and generosity Your gemstone: Aquamarine Your flower: Daffodil Your colors: White and light blue

Listed on BlogShares


My blog is worth $564.54.
How much is your blog worth?

Check PageRank

Your Life is 30% Off Track
In general, your life is going very well. You're quite happy with where you are and what you're doing. And even if you get a bit off course, you're usually able to get back on track easily.

You Are 33% Burned Out
You are a little burned out these days. You are mostly energized and happy, but you occasionally wear yourself down. Think about taking a personal day every so often. You work hard, and you deserve to give yourself a little break!

You've Changed 60% in 10 Years
You've done a good job changing with the times, but deep down, you're still the same person. You're clothes, job, and friends may have changed some - but it hasn't changed you.

You Should Be A Poet
You craft words well, in creative and unexpected ways. And you have a great talent for evoking beautiful imagery... Or describing the most intense heartbreak ever. You're already naturally a poet, even if you've never written a poem.

You Are 50% Weird
Normal enough to know that you're weird... But too damn weird to do anything about it!

Your Personality Is
Idealist (NF)
You are a passionate, caring, and unique person. You are good at expressing yourself and sharing your ideals. You are the most compassionate of all types and connect with others easily. Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings. You seek out other empathetic people to befriend. Truth and authenticity matters in your friendships. In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily. At work, you crave personal expression and meaning in your career. With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone. As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style. On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.

News Feed

Affiliates
15n41n1
 
 

Business Affiliate ProgramsCouponsPersonalsAdvertisingShopping