Well, what has happened to me today??? Unang-una na lamang ay hindi ako nagising sa alarm ng cellphone ko - nakakataot iyun. Kaya pinalitan ko ng tone ang alarm ko kasi baka naman nasanay na ang tainga ko sa tone na iyon kaya wala na siyang pakialam kung mag-alarm man. At dahil doon, hindi ako nakapasok sa kaisa-isa kong klase: PE 1. 11:30 ako nagising. 10 AM ang pasok ko. E di wag na. 2 na absent ko doon. Speaking of absences, may 3 absences na ako. At lahat ng iyon nangyari ngayong 2nd sem. Iyung dalawa ay sa PE 1, at iyung 1 araw na absent ko ay para sa subject ko na Polsci14, Bio1 at Math14 (grrr...). Libing ng lola ko noon kaya kahit pinilit nila ako na pumasok, umayaw pa din ako - para sa huli man lang pagkakataon makasama ko pa siya. At napag-uusapan ang lola ko. Naalala ko siya ngayong Ash Wednesday. Naisip ko na hindi magtatagal at siya ay magiging abo na. Mawawala na ng tuluyan ang kanyang katawang lupa. At gaya nating lahat, doon tayo hahantong. Magiging abo. Abo na mawawala din ng tuluyan. Kahit anong pagpapagandang gawin mo, mawawala din iyan. Sabi nga nila, sa klase ng buhay na mayroon tayo sa Pilipinas, sa kamatayan lang tayo nagiging pantay-pantay. Kahit gaano pa kaganda ang kabaong mo, damit o dami ng mga nakiramay balewala iyan dahil ibabaon ka din sa lupa o kung hindi man, iki-cremate ka. Magiging abo. Magiging abo. Sa mga taong pinanghihinaan ng loob dahil sa pang-aapi ng iba, isipin niyo na lang na pare-pareho lang kayo na mamamatay at magiging abo. Mabubulok muna at magiging abo. At sa mga nasa gobyerno, huwag kayo masyado sakim sa kapangyarihan, dahil magiging abo din kayo... tayo. By the way, sa mga hindi naka-attend ng misa, huwag kayong mag-alala dahil sabi ng pari kanina, hindi naman ito isang day of obligation para sa mga Katoliko, bahala ka na kung gusto mong magpapahid ng abo sa noo mo. Pero sabi nga niya kanina, kahit hindi pa rin ito isang obligasyon para sa mga Katoliko, madami pa din ang nagpupunta. Dahil siguro sa alam natin at tinatanggap natin na sa abo tayo nanggaling, sa abo din tayo magwawakas. Amen. Nice one. Mula sa alarm hanggang sa abo. Magandang araw sa lahat. [bale, kumuha na nga pala ako ng dropping form at bukas ko na ito ipapasa] Labels: chain, events |