Ito na ang pinaka-iiwasang bagay na ayaw kong mangyari sa buhay ko bilang mag-aaral dito sa UP: ang mag-drop ng subject. Hangga't maaari, hangga't makakaya, kelangan pagsumikapan, kelangang magtiis, pero hindi ko akalain na kakailanganin kong magsakripisyo ngayon. Isasakripisyo ko ang siyang nag-iisang tinik, bukol, butlig, pantal, kulani at nunal sa buhay ko: ang Math; Math 14 to be exact. Hindi na talaga kakayanin. Na-disappoin pa ako. Akala ko, ang 2nd exam ko ang magiging tagapagligtas ko. Nag-aral ko. Nireview ang dapat i-review. Pero ang resulta: mas mababa pa sa nakuha ko noong first exam. 45% ang nakuha ko sa 1st exam. Singko. Bagsak. Lalo naman ngayon. 25%. Singko. Bagsak. Supalpal. Siyet. Sobra ang pagkadismaya ko. Alam mo iyung pakiramdam na alam mong ginawa mo ang lahat. Mas madami akong effort na ibinuhos ngayon sa paghahanda sa exam namin na ito. Pero what did I got? 25%. Ang masaklap pa, mas mababa sa unang exam ko. Siyet talaga. Wala talaga, buwiset na talaga ang Math sa buhay ko (ewan ko sa'yo). Isinumpa ko na ito noong finals ko ng Math11 dati. At naging resulta pa ay pasado ako. Pero masama ang nagsasabi ng pagsusumpa sa isang tao. Masama iyun. Bad. Huwag niyo akong tularan. Pero, wala akong magagawa, iyon ang damdamin ko noong mga oras na iyon. Hindi ko naman lahat isinumpa, iyun lang nag-imbento ng what is the value of x if chuva is there over there at iyung mga basta ayoko nang isipin. Well, wala na akong magagawa sa litanya ko. Drop na kung drop. Hindi naman masusukat ang pagkatao ko sa Math. Wala sa Math ang buhay ko. Iyun lang. Drop na. Labels: math, pag-aaral |