Ang haba ng introduction, may part 2 pa. Ewan ko ba, pero siguro, para lamang ihanda ang sarili ko na sabihin na ang halos lahat, uulitin ko, halos lahat ng tungkol sa akin. Bahagi ito siguro ng transisyon ko patungo sa isang malaking pagbabago.
Siguro, bibigyan ko kayo ng ilang paalala o paunawa bago niyo mabasa ang mga tungkol sa akin. Sabi nga noong isang nagpost diyan sa cbox sa kanan, magiging madrama daw ito. Ewan ko ba, pero nitong mga huling araw naging masyado akong sentimental, kalahating senti at kalahating mental. Madalas tuwing Linggo, lalo na sa bahagi ng Ama Namin, napapaiyak ako. Pero hindi naman iyung humahagulgol na naglulupasay gaya ng mga napapanood natin sa mga pelikula, iyun lang naluluja mata ko, ganun. Hehe…
Ewan ko ba, parang may malaking gampanin ang kantang iyon sa aking buhay. Alam ko na, maiisip niyo siguro, ‘ang weird talaga ni Dennio.’ Oo na, weird ako. At least, may katangian ako na kakaiba.
Puro kaweirdohan na siguro ang mababasa niyo dito at nakakasiguro ako doon 99%.
At ikaw na ang bahala kung madalas ka pa ring pupunta dito o hindi. Basta ito ang aking buhay. Magbago man ang tingin mo sa akin, wala na akong magagaw dun, basta ang alam ko dapat kong ishare ang aking buhay at anong malay ko, may mapulot kayong mga aral kahit pa napakadumi nito.
|