Kung maaalala ninyo. Noong nakaraang Agosto ata iyon nag-post ako ng isang artikulo tungkol sa paglapit ng isang Koreano sa akin. Sa mga hindi pa nakabasa ng istoryang ito. Eto ang address ng luma kong blog: http://pd2040a.blogspot.com/ at hanapin na lamang sa Archives ang istoryang ito. Ngayon muli ay isa na namang makabagbag-damdaming tanong ang ibinato sa akin: Are you Korean? Pero this time hindi agad iyun ang unang itinanong medyo nahuli pa di gaya nang nauna. Eto ang kwento. Naglalakad ako noong araw na iyon mga bandang 11:20 ng umaga nang may makasabay ako sa paglalakad na isang grupo ng mga Koreano. Naisip ko baka nag-iikot ang mga ito sa UP at nagsa-sight seeing dahil me mga dala silang camera. Medyo naunahan ko sila dahil mabilis akong naglalakad dahil may klase n\pa ako ng 11:30. Noong nasa tapat na ako ng Main LIb may dalawang Koreano na humahagibis ng takbo at lumapit sa akin. Medyo nagulantang ako siyempre. Bigla ka ba namang kalabitin. Eto ang naaalala ko na pag-uusap namin. Koreano 1: Hello, Good morning! (siyempre medyo hindi tuwid ang pagkakasabi niya noon...) Ako: Good morning too. Koreano 2: Are you on vacation right now? (Ang gandang tanong noh. Nagbabakasyon daw ba ako.) Ako: No. We still have classes. It's our second semester. (Medyo naguluhan ako sa isasagot ko kaya iyun na ang binanggit ko.) Koreano 1: Ah.. So when is your midterm exams? (Wow, naman. Buti pa sila naalala na me midterm exam pa nga pala.) Ako: This coming Januray 24. (Tama ba sagot ko? Ay ewan basta eh iyun di ba iyun naman iyung kalahati ng sem?) Koreano 1: Ah... Thank you. Have a nice day. Koreano 2: Have a nice day. Ako: Yeah... (Sabay nagsalita iyung dalawa kaya yeah na lang nasabi ko. At hindi pa pala iyun ang katapusan.) Koreano 1: Ah, wait. Are you Korean? (At nabanggit na naman ang nakaka-touch (touch daw oh..) na tanong) Ako: No. At nagpatuloy ako sa paglalakad na shocked pa rin. Dalawang beses na iyan. Mukha ba talaga akong Koreano? Hehehe... Buti pa sila nakakakita ng *uhurm* tunay na kagwapuhan. *uhurm* hanggang sa muli... |