Thursday, November 23, 2006
Bayabas. G-tec refill. Mani. Sandals.
Ano kaya un noh? Kagabi lang, ang mga bagay na ito ang nagpaiyak sa akin.

Nagsimula ang araw ko sa klase ko sa P.E. 1. Lumipas ang 10 mins... 15 mins... 30 mins... hanggang sa nag 45 mins na... wala pa rin at wala man lamang kumikilos sa lahat ng mga classmate ko... Kaya ako na ang unang tumayo at parang na-defrost ang buong section. Sumunod din sila.

Pagkatapos noon ay nagkita kami ng tatay ko sa SM North. Naghahanap kasi ako noong libro sa Math14. Trigonometry. 2nd edition. Pagpunta namin doon. Wala iyung libro, napagpasyahan namin na doon na sa SM Megamall magpunta. Tutal, malapit lang doon ang kanilang opisina at may dadaanan din siya doon. Bago iyon, kumain muna kami sa KFC.

Noong una medyo ayaw ko kasi nangako ako na hindi muna ako kakain sa mga fastfood hangga't hindi pa nagiging maayos ang lahat. Pero dahil mapilit ang tatay ko, pumayag na din ako. Alam ko na malapit na siyang sumakay sa barko. Alam ko iyun...
Tapos sakay na kami ng MRT at bumaba sa Ortigas. Pinuntahan agad din namin ang National Bookstore doon, wala din. Pumunta kami sunod sa Podium, doon din sa National Bookstore, wala pa din. Kaya napagpasyahan namin na pumunta muna doon sa katabing building, iyung opisina nila.
Sa 20th floor ang Pru Life of U.K., ahente ng insurance ang tatay ko. Medyo nagpakatanga ako at nagtanong kung bakit me code pa silang pinipindot bago pumasok sa loob. High-tech. PEro pagpasok ko sa loob, hindi naman sa panlalait, dalawa lang ang computer nila a mind you, Windows 98 ang gamit nila.
Anyway, napansin ko agad ang sign nila: 36M in 2006. Iyun daw ang target ng Crystal Quartz, ang branch nila, na bentang insurance para sa 2006. Sabi ng tatay ko, konti na lang daw at maabot na nila iyun. Sunod kong nakita ay ang mga nakasabit na mga ritrato sa kisame. At nandun ang larawan ng tatay ko.
Sabi ko ano na naman iyun? Iyun pala, iyun ang nagpapaalala sa kanila na wala pa silang benta for this month. Sa kabutihang palad naman, bago kami umuwi eh, naalis na iyun dahil nakabenta na siya. Kawawa naman kako doon sa ibang unit, lahat ata nung members nila ay nakasabit. Hehe...
Ang unit ng tatay ko ang top producer sa kanilang branch. Mga mahigit 5 million na ang kanilang nabenta. Basta ganun...
Pagkatapos noon, pumunta naman kami sa Robinson's Galleria, doon din siyempre sa National Bookstore ulit, at sa awa naman ng Diyos, nakabili din ako ng libro.
Nameryenda muna kami. Binigay niya sa akin iyung ipinabibigay ng nanay ko. At habang may hinihintay na tao ang tatay ko, nag-ikot muna kami. Sabi niya, ibibili daw ako ng sandals. Inikot namin ang Robinson's at me mga nakita kami, hindi ko na binili sabi ko huwag na.
Umuwi na kami at siyempre sakay ng MRT ulit. Pero 'di pa pala umuwi tatay ko, may kainan pa siyang pupuntahan kasama iyung mga dati niyang ka-trabaho sa dating opisinang pinapasukan nila. Nanuna ako. Bumaba ako sa North Ave doon siya sa Cubao.
Nakarating na ako sa bahay. Nag-ayos. At nakita ko ang mga binigay ng nanay ko na nakalagay sa plastik. 2 bayabas. Apat na pack noong mani. At ang refill ng G-tec. Bigla na lang ako napaiyak. At ang una kong iniyakan ay ang g-tec.
Alam ko kasi na hirap talaga kami ngayon. At para sa akin, isa nang luho ang ibili pa ako ng g-tec na iyun. Para bang sobra na iyun. Ewan ko ba, doon ko din napagtanto na ayaw talaga ng mga nanay at tatay ko na makadama kami ni konting hirap o gutom. Nasabi na ito ng tatay ko dati. Ayaw niya na maranasan namin ang naranasan niya noon.
Ang hindi nila alam, alam ko kung paano pa nila kami binubuhay ng ganito.
Isinangla pala ng tatay ko ang cellphone niya, kaya pala hiniram muna niya ang s a kapatid ko. Madami nang mga taong inutangan ang nanay ko. Ganun din ang tatay ko. Halos kalahati ng binabayad na tuition naming magkapatid mula noon ay utang... kaya utang namin ito sa mga taong nagtitiwala sa amin.
Na-realize ko... Ang daming tao ang namumuhunan sa amin... sa akin...
At habang naiisip ko ito... patuloy ako sa pag-ngasab ng bayabas... at mani...
Salamat sa kanila.
Susunod: Mararanasan ko na din...
posted by Anonymouse @ 11/23/2006 06:59:00 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
 

Buhay Ko

↑ Grab this Headline Animator


about me

blog readability test

Movie Reviews




Previous Posts
Archives
My Own Network

Chatbox

Counter

web site counters
Office Depot Coupon

Listings/Misc
Your Birth Month is March
You love life and exude an outgoing, cheerful vibe. Blessed with a great sense of humor, you can laugh at adversity. Your soul reflects: Respect, desire, and generosity Your gemstone: Aquamarine Your flower: Daffodil Your colors: White and light blue

Listed on BlogShares


My blog is worth $564.54.
How much is your blog worth?

Check PageRank

Your Life is 30% Off Track
In general, your life is going very well. You're quite happy with where you are and what you're doing. And even if you get a bit off course, you're usually able to get back on track easily.

You Are 33% Burned Out
You are a little burned out these days. You are mostly energized and happy, but you occasionally wear yourself down. Think about taking a personal day every so often. You work hard, and you deserve to give yourself a little break!

You've Changed 60% in 10 Years
You've done a good job changing with the times, but deep down, you're still the same person. You're clothes, job, and friends may have changed some - but it hasn't changed you.

You Should Be A Poet
You craft words well, in creative and unexpected ways. And you have a great talent for evoking beautiful imagery... Or describing the most intense heartbreak ever. You're already naturally a poet, even if you've never written a poem.

You Are 50% Weird
Normal enough to know that you're weird... But too damn weird to do anything about it!

Your Personality Is
Idealist (NF)
You are a passionate, caring, and unique person. You are good at expressing yourself and sharing your ideals. You are the most compassionate of all types and connect with others easily. Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings. You seek out other empathetic people to befriend. Truth and authenticity matters in your friendships. In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily. At work, you crave personal expression and meaning in your career. With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone. As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style. On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.

News Feed

Affiliates
15n41n1
 
 

Business Affiliate ProgramsCouponsPersonalsAdvertisingShopping