Well... Masyado nang late ang pagpo-post ko ng isang bagong karanasan sa buhay ko. Ito lang naman po iyung pagsama ko sa sa rally noong December 15, 2006. Spoecifically ang Barikada sa Quezon Hall. Ano naman ang masasabi ko dito? Sa totoo lang noong una ay nagaalinlanagan pa ako. At sino ba naman ang hindi. Siyempre naisip ko ang mga sinabi ng nanay ko: Huwag akong sasama sa mga rally. Pero siyempre napakabait ko, kaya sumama ako. At wala namang nakapigil pa doon. Me nakasama naman ako doon. At hindi lang basta kasama. Halos nandoon din ang lahat ng mga kaklase ko at nagulat pa ako. Mga hindi mo akalaing sasama sa mga rally. Noong nagmamartsa pa lang papuntang Quezon Hall, medyo nasa gilid ako. Para bang nagsisiguro muna na baka mamaya eh i-disperse kami ng mga pulis o tirahin ng water cannon eh ala naman akong pamalit na damit. Sa totoo lang, iyun ang unang beses kong sumama sa rally at ang unang beses na nakapunta sa Quezon Hall. Kaya medyo nagsight-seeing pa ako. Nakita ko na din iyung...iyung... ano nga ba tawag doon sa may garden sa likod nun... ayun naalala ko na iyung ampitheater. Tapos may marker pa doon na nakalagay na "A GIFT OF THE PEOPLE OF THE UNITED STATES OF AMERICA TO THE PEOPLE OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES." Hmmmm... at may utang na loob pala ang UP sa mga Kano. Wala pala kaming utang na loob kasi nandito sa loob mismo ng UP ang mga nangunguna sa pagtuligsa sa kanila. Anyway, balik tayo sa rally. Unang beses ko din na kantahin ang aming Alma Mater Hymn na "UP Naming Mahal" with matching left arms raised up. Ang sabi noong nagsasalita sa harap na SecGen nung ANAKBAYAN ata ay dahil sa ang kaliwang braso ang pinakamalapit sa puso at simbolo ito ng taos-pusong pakikibaka. Unang beses ko din na sumigaw gaya ng "ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!" on the top of my lungs. Meron pang "TUITION FEE INCREASE NA NAMAN! SALOT TALAGANG SALOT, KASALUTSALUTAN!" at "BUDGET NG UP, DAGDAGAN, DAGDAGAN 'WAG BAWASAN!" at isa pa "EDUKASYON, EDUKASYON, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!" aty isa pa ulit "MAKIBAKA 'WAG MATAKOT!" at me isa pa na nakaligtaan ko. Basta sigaw lang. At dito ko naramandaman na isa ang aming mga tinig literally and in spirit. Sa rally na ito nakita ko ang masasabi nating behind the scenes na hindi natin nakikita sa telebisyon. Nariyan na ang kakulangan sa koordinasyon sa mga pinuno ng mga grupo. Medyo parang nagkakanya-kanya. In short, magulo ang sistema. Parang sa gobyerno. So...Kung tutuligsa sila sa gobyerno na sinasabi nilang bulok at magulo ang sistema...Look who's talking. Isa pa naisip ko lang. Bakit hindi sila gumagamit ng bandila ng Pilipinas sa kanilang mga rally. At bakit kulay PULA na kilala ng mga tao na kadikit ng mga komunista? My golly, they say they are nationalistic but come on, our Philippine flag is the ultimate symbol of Filipino nationalism. Bakit hindi ito? Anyway, sa aking masyadong kuryosidad, sinabi ko sa isang miyembro ng ANAKBAYAN na medyo interesado ako sa grupo nila. At ang bruha, hindi ako na-gets. Agad siyang kumuha ng pen and application form para ifill-up ko na daw agad. Susme, ang gusto ko lang ay malaman kung ano ba ang kanilang grupo at hindi naman ako agad sasali sa kanila. So nag-orient agad siya right in the middle of the rally. Na kesyo ganyan ganito. At talagang makulit. Sabi ko pag-iisipan ko pa ng mabuti. Sabi ba naman sige babalik ako after 5 MINUTES. Ganoon lang pala kabilis ang mag-isip ng mabuti. E di bumalik nga, sabi niya o ano sasali ka na? Sige na, eto na ang ballpen at sumulat ka na. At binola pa ako na "Nararamdaman ko sa iyo na nationalistic ka (Hmm.. True. Hehe..) at may hangad na maglingkod sa bayan (Hmmm.. Oo nga noh.) kaya sumali ka na. Eeengk. Wrong answer. Sabi ko na lang para matapos na ang litanya, "Puwede ba na sa January na lang ako magdesisyon?" At natapos din. At sa muli naming pagkikita eh humanda na lang siya at meron akong inihandang mga katanungan para makumbinse niya ako na sumali. At kasama na iyung nabanggit ko sa itaas. Hay naku, at iyun sinabi ko sa aking mahal na inay at itay. Hindi naman nagalit pero wala namang reaksyon. Siguro alam nila ang gusto ko and nasabi ko na sa kanila iyun. Basta mag-ingat lang. Anyway, nakakapagod mag-rally at dahil diyan namiss ko ang unang araw ng simbang gabi. Siyet. 8 Simbang gabi lang ang nagawa ko. Sa mga nagbabalak sumama, well, walang masamang subukan basta mag-ingat palagi at mag-ingat ulit at siguraduhin na gusto mo talaga at handa ka sa anumang mangyayari. Pero, wala mang rally... ang 7 miyembro ng BOR, UP Pres. Roman at UPD Chancellor Cao. THE FIGHT NEVER ENDS. NO TO TOFI. |