Maybe I should now write a book entitled "The Art of Deferment". Well again, for the 3rd time in less than a year. I have defered 3 times in two organizations. Some of my readers would probably know that specially my latest deferment. Just last Wednesday or no.. it was since Monday when I chose not to go to their tambayan for the Mission Week. My reason? I don't know what the reason is but when I did it again, "lumuwag ang pakiramdam ko at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko." Anyway, good day to all. ****************************************** Grabe talaga ang laming ng panahon ngayon. Very unusual. Maybe the El Nino has something tio do with it. Well, El Nino is an abnormal weather and climate phenomenon wherein the oceans warm up. Hanggang doon na lang ang sasabihin ko kasi hindi naman ako maalam masyado sa ganyan. ****************************************** Magmula nga pala nang nag-defer ulit ako. Napadalas na ang pagtambay ko sa Sunken Garden. At talaga nga namang sinuswerte ako kasi naman may mga lumapit na naman sa akin na mga nagpapahayag ng salita ng Diyos sa lugar na iyon. Mga Jehova's Witness. At siyempre, ayan basa sila ng Bibliya, nagturo ng ganito ganyan which some of them ay sinasang-ayunan ko, kaya lang, pa-gabi na iyun at dapat ay paalis na talaga ako nang lumapit sila. Wala naman ako gumawa kundi makinig at sumagot. Tapos binigyan pa ako ng mga magasin nila at isang booklet. Hindi naman nanghingi ng donasyon, tapos inanyayahan pa ako sa kanilang mga bible study. Dapat noong una pa lamang ay tatanggi na ako, pero dahil mabait ako *ehem* pinabayaan ko na sila. At ang mali ko pa ibinigay ko ang number ko, wowowee, para daw malaman nila kung kelan free time ko. Naku talaga naman. ****************************************** Umuwi ako sa bahay at binasa ang ilan sa kanilang magasin. Medyo napailing ako sa mga nakasulat doon. Lalo na iyung artikulo nila tungkol sa Simbahan Katolika. Totoo nga, unti-unti nang kumakaunti ang mga taong nagsisimba sa Europa. Halos wala na ngang pumapansin sa mga simbahan doon. Naging mga tourist spots na lang at architectural wonders. Pero, iyung talagang nakatama sa akin ay iyun bang parang pinalalabas pa nila na ang Simbahang Katolika ay isang simbahang hindi totoo at dahil hindi ito totoo ay talagang nakatakda ito na bumagsak. Ouch. At isa pa, pinalalabas nila na sila, mga Jehova's Witness, ay isang simbahang totoo at lumalakas at lumalawak ang kanilang simbahan. Siyempre, ano pa ba ang aasahan ko? Magasin nila iyon at alangan namang siraan nila ang kanilang sarili. Mahirap talaga na gawing isang argumento ang relihiyon. Lalo na sa kung sino ang totoong simbahan; ika nga ang tunay na "Church of Christ." Sasabihin ko na lang sa kanila na kung bakit lumilipat ang mga tao sa kanila at hindi lang sa kanila pati na sa mga nagsulputang relihiyon sa daigdig. Ang mga taong nandiyan sa kanilang samahan ay ang mga taong naghahanap ng isang relihiyon na babagay sa kanilang mga ginagawa. Ang mga lumilipat diyan ay naghahanap ng relihiyon na may convinience. Ang mga tao na lumilipat diyan ay siyang mga tao na nagahahanap ng instant na kaligtasan. At higit sa lahat, lumipat sila dahil hindi muna nila minahal, inalam at inaral ang mga turo ng Simbahang Katolika. ****************************************** Hanggang ngayon, nasa ospital pa rin ang aking Inang. Palala na ng palala ang kanyang kalagayan. At hindi ko maintindihan kung bakit may tao pala na kayang tiisin ang kanyang magulang. Nakakalungkot. At mabanggit ko na ang taong iyon ay anak ng Inang ko at miymebro ng mga tinatawag na "Born-Again Christians." Iyun ba ang itinuturo ninyo? Magdasal na lang tayo? Pero, sana maayos na ang lahat at makaya namin ang isa na namang pagsubok sa aming pamilya. ****************************************** Labels: week events |