Thursday, March 29, 2007
Mga Huling Oras

Kinagabihan ng ika-8 ng Marso taong 2007, may kakaiba akong naramdaman.

Para bang kinikiliti ang puso ko. May kakaibang sensayon akong naramdaman. Medyo nahihirapang huminga. Naisip ko baka aatakihin ako sa puso. Pero hindi naman siguro, kasi alam ko biglaan iyun. Hinintay ko kung matutumba ako. Hindi naman. Uminom ako ng tubig. Humiga muna ako. Pero ganoon pa rin. Naisip ko baka naman iba na ito. Hindi health-related. Something unexplainable. At may naalala ako. Naramdaman ko na ito dati. I’m sure that I’ve felt it before, long time ago, noong “na-in love” ako.

Pero inisip ko, bakit kaya ganoon? Wala naman ako ngayong ‘love interest’. Mas iniisip ko ang aking pag-aaral (na dapat naman talaga noh?) ngayong wala na ang buwiset na Math na iyun (see related post below). At kailangan ko pang isaayos ang buhay ko na pakiramdam ko magulo na. Ihanda ang aking sarili para sa mga posibleng “political plans” sa darating barangay elections kung puwede na akong tumakbo. In the meantime, inaalam ko muna kung pupwede na ba ako tumakbo. In short, madami akong ginagawa. (o kunyari lang na marami akong ginagawa?)

Siyempre, hindi ko naman isinasara ang aking pinto para sa mga posibleng darating. Pero kahit na, ayoko muna ngayon. (O baka naman talagang torpe lang ako? Hehe..) Mahirap naman na may ‘exclusivity’ agad. Mas masarap maging single. Kahit sino puwede mong makasama. At puwede din na mag-isa. (Nagdadahilan lang ata ako.. hehe..)

Ah ewan, basta. Ako si Dennio. Walang girlfriend since birth. And I don’t care.

***

Malapit na bakasyon pero mukhang hindi muna ako magbabakasyon. Kelangan ko atang harapin muna ang buwiset na Math14. Pero sabi noong adviser ko sa PolSci, ‘wag daw ako mag-alala dahil “lenient “ daw iyung mga prof sa Math tuwing summer, ayon sa tsismis. Ewan, sana nga lang para naman makalagpas na ako at medyo makasundo ko naman ang Math.

Kung sakali ngayon lang ako makakaranas na nag-aaral pa rin hanggang summer. Pero para ayaw ng katawan ko. ‘Di bale may panahon pa naman para makapag-isip. Isip na naman. Pero masarap din palang mag-isip ng mag-isip. Pero huwag lang habang tumatawid baka kasi masagasaan ka.

***

Sa nakalipas na 16 na taon ko sa mundong ibabaw, halos 80% ng lahat ng mga aral na dapat kong matutunan sa loob ng 16 na taon, ay natutunan ko sa loob ng nakalipas na 2 taon.

At hindi naging madali iyon. Isipin mo na isiniksik sa loob ng 2 taon ang sandamukal na mga pagsubok, problema at pahirap. Pero naniniwala naman ako na walang matulis na espada ang dadaan sa nagbabagang apoy. Kaya lang, nararamdaman ko na ang rurok ng lahat ng mga maaaring mangyari sa akin ay magaganap ngayong taon. Sana lang hindi ako tuluyang matunaw.
Eh basta, handa ako.

***

Dalawang Biyernes nang humahabol ako sa bus. Tuwing umuuwi na lang ako, pagbaba ko ng dyip, eksakto na nasa ibabaw na ng flyover ang bus na biyaheng Balagtas. At talaga naman, tatakbo ako buhat ang ‘maleta’ ko papunta doon sa sakayan. Mabuti na lamang at medyo binabagalan nila.

Pero last Friday, aba’y talagang hinabol ko. Sumesenyas na ako, pero sige andar pa rin. Lang’ya talaga, pinahirapan pa ako. At siyempre sa laki at taba ko na ito, halos maubusan na ako ng hangin pag-upo sa bus. Sabay laklak ng tubig. Kulang pa, bumili pa ako ng dalawa.

Kelangan ko na talagang magehersisyo.

***

Noong Martes ng gabi, nagsimula na akong isulat ang masasabi ko na isa sa mga maaaring pinakamagandang essay o artikulo o kung anu man na naisulat ko. Hindi ko alam pero talagang nag-aalab ang aking damdamin sa bawat salita na aking sinusulat. Siguro, malaki ang epekto sa akin ng sinusulat ko na iyon. At malamang, marami ang magugulat at hindi lubos na maiisip na makakaya kong isulat iyon.

Dapat dati ko pa ginawa iyon, pero wala akong maisip na magandang dahilan par ituloy. Inisip ko rin ang mga posibleng consequences na maaaring idulot ng paglabas ko sa naturang artikulo. Medyo, kinakabahan ako pero excited ako na mambulabog ng lahat ng tao. Ngayon ko lang gagawin iyon. At malamang iyon na ang gagawin ko: ang mambulabog ng tao at magmulat ng lahat, lalo na ng mga kabataan ngayon. At siguro, ako na rin ang unang dapat mamulat sa ginawa ko na iyon.

Kung ano man ang ginawa ko na iyon. Malapit niyo itong makita at mabasa sa isa sa mga blog ko.
Mamulat ka sana.

***

Biyernes ng tanghali, bago ako umuwi, kumain muna ako sa Coop. Sa labas pa lang ng pinto, may naririnig na akong mga pananalita na hindi dapat naririnig sa loob ng kainan. May mga ewan na gumagawa ng eksena.

Siyet. How romantiks. Si lalake ay naghahayag ng kanyang pagmamahal kay babae habang si babae ay kilig na kilig habang may hawak na pulang rosas. Hindi man lang nahiya. Grabe, lahat ng tao nakatingin na sa kanila pero sige pa rin sila. Hindi rin nahiya sa katabi nila sa lamesa na kumakain. Grabe talaga.

Over to da max ang level naman ng pagmamahalan ng dalawa. Natatawa na lang ako sa mga linya ni lalake. Iyung mga tipong pang-kundiman at pam-pelikula lang. Siyet talaga. Hindi malaman kung kikiligin ka ba sa dalawa o maiinis o matatawa. Mabuti na lang at noong pumunta ako mukhang patapos na dahil kung hindi eh nawalan na siguro ako ng ganang kumain.

Sa lahat ba naman ng lugar, puwede namang doon sila sa may Sunken Garden para mas romantiks at wala na silang ibang tao na idadamay. Hay, nawa’y walang hanggan ang kanilang pagmamahalan. Amen.

(O baka inggit lang daw ako sabi ng isang bahagi ng aking konsensiya.)

***

Biyernes ng gabi. Nagda-drama na naman ako. Iyak na naman. Pero, iyak siguro ng ligaya (tears of joy?). Na matapos ang isang taon na puno ng iba’t ibang klase ng paghihirap, heto buhay pa ako. Patuloy na lalaban hanggang sa katapusan. (wow…)

Magmula nang halos araw-araw na kumakatok sa aking pintuan ang mga problema, wala na akong inisip kung hindi siyempre malagpasan ito at bumawi. Sa awa naman ng Diyos, nakakabawi din, pero pagkabawi ko pa lang ayan na naman ulit. Pero sige lang. Tuloy-tuloy pa rin. Walang atrasan. Kahit ano pa iyan, lalaban ako. (waAaAaw…)

***

Nagkaroon nga pala ng Student Council Elections dito sa UP Diliman o sa lahat ata ng campuses ng UP. Siyempre, wala ring gaanong pinagkaiba sa mga nasa national level. Batuhan ng putik. Siraan ng bawat isa. Pero siyempre, lahat ng ito ay natatapos din sa eleksyon. Ang mga estudyante din ang hahatol.

At iyun na nga noong Mar 6, eleksyon. Pero hindi ko maisip bakit ba hindi lahat eh bumoboto? Kung dito pa lang irresponsible na ang mga botante paano pa sa eleksyon sa bansa. Ipinapakita ba nito na walang pakialam ang mga estudyante sa kung sino ang magiging lider nila o talaga lang feeling nila it’s not their moral duty and obligation to exercise their right to suffrage? Hindi ko alam. Pero gusto ko malaman kung bakit.

Pero masaya na din ako sa kinalabasan ng resulta. Si Shahana Abdulwahid ang nananalong USC Chair mula sa STAND-UP at si Viktor Fontanilla bilang USC V-Chair mula naman sa ALYANSA. Iyan ang dalawang pinakamalaking partido dito at mahigpit na magkalaban sa eleksyon. Sabi ng kabila, wala naman silang mga programa para sa mga estudyante sabi naman ng kabila wala silang paninidigan at para silang pumapanig sa admin. Mga ganun. May isang partido pa iyung KAISA pero medyo bago pa lang sila at hindi pa gaanong ramdam ang kanilang presensya.

Pero anyway, binoto ko ang STAND-UP. Hindi nagtatago sa maskara ng neutralidad. Naninindigan. Tunay na palaban at tunay na para sa kapakanan ng lahat ng mga estudyante. Di gaya noong iba na masyadong mabulaklak ang mga pangako at iyung mga program nila parang hindi mo kakakitaan ng maturity. Para bang pambata. Children’s party kumbaga. Makulay. Masaya. Puro pantasaya. Pero hindi iyon ang kailangan natin. Kailanagan natin na makita ang realidad.

Realidad na tataas na ang tuition and other fees next year. Realidad na patuloy pa rin ang pagpigil ng admin sa pondo ng Kule. Realidad na gusto nang isapribado ng administrasyon ni Pangulong Arroyo ang lahat ng mga state colleges and universities sa buong bansa. Realidad na balang araw hindi na “premier state university” ang UP kundi “premier university” na lang dahil wala nang suporta na manggagaling mula sa gobyerno. Realidad na darating ang panahon na dahil sa pera ang mga matatalino at deserving na mga estudyante ay hindi na makakapag-aral.

In short, katapusan na ng UP.

Note: Delayed na masyado ang post na ito dahil March 11 ko pa ito ginawa. - Dennio

Labels:

posted by Anonymouse @ 3/29/2007 10:56:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
 

Buhay Ko

↑ Grab this Headline Animator


about me

blog readability test

Movie Reviews




Previous Posts
Archives
My Own Network

Chatbox

Counter

web site counters
Office Depot Coupon

Listings/Misc
Your Birth Month is March
You love life and exude an outgoing, cheerful vibe. Blessed with a great sense of humor, you can laugh at adversity. Your soul reflects: Respect, desire, and generosity Your gemstone: Aquamarine Your flower: Daffodil Your colors: White and light blue

Listed on BlogShares


My blog is worth $564.54.
How much is your blog worth?

Check PageRank

Your Life is 30% Off Track
In general, your life is going very well. You're quite happy with where you are and what you're doing. And even if you get a bit off course, you're usually able to get back on track easily.

You Are 33% Burned Out
You are a little burned out these days. You are mostly energized and happy, but you occasionally wear yourself down. Think about taking a personal day every so often. You work hard, and you deserve to give yourself a little break!

You've Changed 60% in 10 Years
You've done a good job changing with the times, but deep down, you're still the same person. You're clothes, job, and friends may have changed some - but it hasn't changed you.

You Should Be A Poet
You craft words well, in creative and unexpected ways. And you have a great talent for evoking beautiful imagery... Or describing the most intense heartbreak ever. You're already naturally a poet, even if you've never written a poem.

You Are 50% Weird
Normal enough to know that you're weird... But too damn weird to do anything about it!

Your Personality Is
Idealist (NF)
You are a passionate, caring, and unique person. You are good at expressing yourself and sharing your ideals. You are the most compassionate of all types and connect with others easily. Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings. You seek out other empathetic people to befriend. Truth and authenticity matters in your friendships. In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily. At work, you crave personal expression and meaning in your career. With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone. As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style. On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.

News Feed

Affiliates
15n41n1
 
 

Business Affiliate ProgramsCouponsPersonalsAdvertisingShopping