Ngayon ko lang narealize na mas mahirap pala iyung take home exam lalo na kung medyo pag-iisipan mo ang mga isasagot mo. Mas mahirap pala dahil parang walang pressure at wala kang maramdaman na adrenalin rush para makapg-isip sa kung ano ba dapat ang isasagot ko. Pero ayos na din dahil ang tagal kong nag – isip kaso ang hirap. Hindi mo malaman kung paano mo sisimulan ang isusulat mo. Tapos minsan medyo mapapalihis ka pa sa topic at kailangan na i – edit mo pa. At madami pang distraction gaya ng nasa vacation mode na ang lahat ng mga taong nasa paligid mo at ikaw na lang ang nagpapakahirap sa take home exam na ito. Sana naisip na gawin ito ng prof ko sa Math14 dahil mas magiging madali ang buhay ng mga batang pinapatay ng Math. Math na naman. Teka nga, saan nga ang Math Building? Nakalimutan ko na yata kung paano pumunta doon. Pero I pray na makapasa ako dito sa take home exam na ito kahit na mukhang wala na talaga ako mapiga sa aking utak. Amen. Baliktarin ang tatsulok. Labels: buhay, events, math, pag-aaral |