Thursday, March 29, 2007
Take Home Exam

Ngayon ko lang narealize na mas mahirap pala iyung take home exam lalo na kung medyo pag-iisipan mo ang mga isasagot mo. Mas mahirap pala dahil parang walang pressure at wala kang maramdaman na adrenalin rush para makapg-isip sa kung ano ba dapat ang isasagot ko. Pero ayos na din dahil ang tagal kong nag – isip kaso ang hirap. Hindi mo malaman kung paano mo sisimulan ang isusulat mo. Tapos minsan medyo mapapalihis ka pa sa topic at kailangan na i – edit mo pa. At madami pang distraction gaya ng nasa vacation mode na ang lahat ng mga taong nasa paligid mo at ikaw na lang ang nagpapakahirap sa take home exam na ito.

Sana naisip na gawin ito ng prof ko sa Math14 dahil mas magiging madali ang buhay ng mga batang pinapatay ng Math.

Math na naman. Teka nga, saan nga ang Math Building? Nakalimutan ko na yata kung paano pumunta doon.

Pero I pray na makapasa ako dito sa take home exam na ito kahit na mukhang wala na talaga ako mapiga sa aking utak.

Amen.

Baliktarin ang tatsulok.

Labels: , , ,

posted by Anonymouse @ 3/29/2007 11:16:00 AM   0 comments
Hindi ko ito ikakahiya

Nitong nagdaang linggo, bigla akong nagka-sakit o naipon na lang at nagkasakit ako noong Miyerkules. Pero hindi ko siya ipinaalam sa aking mga magulang kasi ayoko naman na mag-alala sila. Naisip ko na tulog lang ang kailangan nito. Kaya lang, hindi ako puwedeng matulog ng maaga. Madami ako na dapat pang gawin. Kasi ba naman, ito na ang mga huling araw ng ikalawang semester. ‘Ika nga abala na ang lahat. Kahit ang mga nagra-rally nawala muna sa eksena ng paglaban sa TOFI (Tuition and other Fees Increase) at kailangang mag-aral para sa mga exam at tapusin ang mga projects. Pero ako, nagkasakit. Sa lahat ng panahon ngayon pa.

Halos isang dalawang taon na din yata ang nagdaan mula ng huli akong magkasakit na talagang bed-ridden. At nagkataon pa sa panahong hindi ako dapat magkasakit. Pero wala na ako magagawa. Nariyan na siya at magpapagaling ako. Inom ako ng Biogesic kada apat na oras pero siyempre sa madaling araw hindi ko na nasusundan kasi hindi ako nagigising.

Pero noong Biyernes medyo maganda na ang pakiramdam ko pagkagising ko. Kasi nasundan ko na ng inom ng gamot kada apat na oras. Medyo hilo pa ako pero maayos na ako. Naisip ko na huwag nang pumasok para magpahinga talaga. Pero sayang naman kako at last day na namin sa PolSci, hindi ko na makikita si – ay hindi pala, eh basta saying. Hehe… Saka ko na lang naisip na wala na pala silbi ang 0.25 bonus ko doon kasi isang beses na ako lumiban noong namatay ang lola ko, dapat pala nag-absent na ako. Pero saka ko na naisip iyon nang nasa classroom na ako.

At ayun, sumakit na naman ang ulo ko at nilagnat ako. Pero siyempre, tuloy lang, hanggang sa umuwi na ako. Talagang bagsak na ako. Battery empty na. Hindi ko pa rin sinabi pero heto namang kapatid ko ay nahipo niya ang aking ulo na mainit. At iyun siyempre, madaldal (hehe…) sinabi na sa kanila. At madami pa napansin, namumutla daw ako, malalim eyebags ko, at lahat na.

Eh di siyempre, ang mamang malaki ay bumagsak na at inalagaan siya ng kanyang mga magulang. Punas ng punas para bumaba ang aking lagnat. Medyo kinabahan na nga ako kasi taas – baba ang aking lagnat. Inisip ko na ang lahat ng puwede kong sakit. Noong una, kasi masakit talaga ulo ko inisip ko baka may pumutok na ugat sa ulo ko (iyung nangyari sa aking lola…) pero sabi ko siguro una pa lang mangyari iyun eh na-paralyze na ako. Mabuti at hindi naman ganoon. Isa pa ay baka dengue kasi medyo madaming lamok doon sa boarding house na tinutuluyan ko. Pero hindi ko naman ang sintomas nito pero ang alam ko 3 – 4 days ata bago maging full – blown, pero naka 5 araw na, wala naman.

Sabi ng doktor namin, teka anu nga ba iyun… ah… trangkaso pero may viral infection ata sa lalamunan ko. Eh iyun sakit ko. Tapos bigay agad ng reseta. Dalawang gamot. Hanggang sa oras na tina-type ko ito ay umiinom pa rin ako. Binigyan din ako ng medyo malakas para sa chronic pain ng ulo o migraine na ata kasi talagang kumikirot ang ulo ko na para bang pinipiga na ang utak ko.

Sa awa naman ng Diyos ay gumaling ako at nakapasok ako noong Martes at nakakuha ng exam sa Bio1.

Sa gitna ng aking pagkakasakit, medyo nagka-kwentuhan kami ng aking mga magulang sa mga sakit ko noong bata pa ako. High school ako ng nalaman ko na kino-kombulsyon ako noong maliit pa ako (literally…). Tapos ngayon naman nalaman ko na kung bakit nagka-ganito ang itsura ng aking ngipin at [gums] ko. Kapag inaatake ako ng kombulsyon, nangingitim ako at kakagatin ko ang dila ko. Kaya nagkaganoon kasi nasa loob daw ang init at hindi ito lumalabas bilang pawis. At para maiwasan na makagat ang dila ko na kapag nakagat ko ay ikamamatay ko, pinapasakan nila ako ng kung anuman ang puwedeng makapigil sa pagkagat ko sa dila ko. Kutsara, iyung malalaking popsicle stick (anu ba tawag dun?) o kahit pa ballpen. Minsan sa sobrang panggigigil ko, nababali o nadedeform ko ang kutsara. Isipin mo na lang kung gaano ako kalakas kumagat. (Kaya huwag mo akong gagalitin baka kagatin kita. Hehe…)

May ilan sa mga kaibigan ko ang nagsasabi na ipaayos ko daw ang ngipin ko. Ipa-brace ko daw. Kasi sayang naman daw ang hitsura ko (mga nambobola lang) dahil may hitsura naman daw ako (aminado naman akong wala eh), iyung ngipin at [gums] ko na lang ang nakakasira. Naisip ko din iyun dati. Naiinis ako sa hitsura ng ngipin ko. Napapabukas ang bibig ko kasi hindi ayos nga ang posisyon kaya madalas nakanganga ako pero iniiwasan ko pa rin kahit na medyo mahirap. Gusto ko magpa-brace. Kahit kako mahal, basta maayos na lang.

Pero naisip ko, ayoko nang ipaayos ito. Gusto ko na maging alaala ito sa kung papaano ako iniligtas ng maraming beses ng aking mga magulang sa kamatayan. Gusto ko na kapag haharap ako sa salamin makikita ko ito lalo na kung matigas ang ulo ko. Pangit man tingnan, malaki naman ang naging epekto nito sa aking pagkatao. Malamang kung hindi isinakripisyo ang ganda ng ayos ng ngipin ko, malamang wala na kayong mababasa na article na tulad nito ngayon at wala na ako.

Hindi ko alam kung masyado naman akong nagiging sentimental. Naniniwala lang ako na unti-unti ko lang binubuo kung sino ba talaga ako. Ikaw ba kilala mo na kung sino ka? Ako hindi pa. Ayoko na makilala ang sarili ko sa pamamagitan ng kung ano ang gagawin ko ngayon at sa hinaharap. Naniniwala akong malalaman ko kung bakit ako ganito ngayon sa kung sino ako noong dati. Kasi ang saril na ating nakikita ngayon lalo na sa mga kaedad ko ay iyung rebellious self natin. Kumbaga, kasi akala natin hindi naman tayo iyung dati na sarili natin. Pero sa bandang huli, magsasawa din tayo at babalik sa tunay na tayo.

Pero sa ngayon, sa aking sarili, hindi ko ikakahiya ang hitsura ko. Dahil sa hitsurang ito, nabuhay pa ako. At mabubuhay pa ako hanggang sa dumating ang takdang panahon.

Amen.

Labels: , ,

posted by Anonymouse @ 3/29/2007 11:09:00 AM   0 comments
Quotations

Ilan sa mga quotations na nagbibigay buhay sa akin tuwing manghihina ako.

“The most difficult thing in life is to know yourself” – Thales

“Life becomes tragic to him who has plenty to live on but little to live for.” – Unknown

“How difficult it is to save the bark of reputation from the rocks of ignorance.” – Petrarch

“Courage consists not in blindly overlooking danger, but in seeing it, and conquering it.” – Jean Paul Richter

“I only regret that I have but one life to give for my country.” – Nathan Hale

Collected: March 2, 2007

Labels:

posted by Anonymouse @ 3/29/2007 11:07:00 AM   0 comments
Mga Huling Oras

Kinagabihan ng ika-8 ng Marso taong 2007, may kakaiba akong naramdaman.

Para bang kinikiliti ang puso ko. May kakaibang sensayon akong naramdaman. Medyo nahihirapang huminga. Naisip ko baka aatakihin ako sa puso. Pero hindi naman siguro, kasi alam ko biglaan iyun. Hinintay ko kung matutumba ako. Hindi naman. Uminom ako ng tubig. Humiga muna ako. Pero ganoon pa rin. Naisip ko baka naman iba na ito. Hindi health-related. Something unexplainable. At may naalala ako. Naramdaman ko na ito dati. I’m sure that I’ve felt it before, long time ago, noong “na-in love” ako.

Pero inisip ko, bakit kaya ganoon? Wala naman ako ngayong ‘love interest’. Mas iniisip ko ang aking pag-aaral (na dapat naman talaga noh?) ngayong wala na ang buwiset na Math na iyun (see related post below). At kailangan ko pang isaayos ang buhay ko na pakiramdam ko magulo na. Ihanda ang aking sarili para sa mga posibleng “political plans” sa darating barangay elections kung puwede na akong tumakbo. In the meantime, inaalam ko muna kung pupwede na ba ako tumakbo. In short, madami akong ginagawa. (o kunyari lang na marami akong ginagawa?)

Siyempre, hindi ko naman isinasara ang aking pinto para sa mga posibleng darating. Pero kahit na, ayoko muna ngayon. (O baka naman talagang torpe lang ako? Hehe..) Mahirap naman na may ‘exclusivity’ agad. Mas masarap maging single. Kahit sino puwede mong makasama. At puwede din na mag-isa. (Nagdadahilan lang ata ako.. hehe..)

Ah ewan, basta. Ako si Dennio. Walang girlfriend since birth. And I don’t care.

***

Malapit na bakasyon pero mukhang hindi muna ako magbabakasyon. Kelangan ko atang harapin muna ang buwiset na Math14. Pero sabi noong adviser ko sa PolSci, ‘wag daw ako mag-alala dahil “lenient “ daw iyung mga prof sa Math tuwing summer, ayon sa tsismis. Ewan, sana nga lang para naman makalagpas na ako at medyo makasundo ko naman ang Math.

Kung sakali ngayon lang ako makakaranas na nag-aaral pa rin hanggang summer. Pero para ayaw ng katawan ko. ‘Di bale may panahon pa naman para makapag-isip. Isip na naman. Pero masarap din palang mag-isip ng mag-isip. Pero huwag lang habang tumatawid baka kasi masagasaan ka.

***

Sa nakalipas na 16 na taon ko sa mundong ibabaw, halos 80% ng lahat ng mga aral na dapat kong matutunan sa loob ng 16 na taon, ay natutunan ko sa loob ng nakalipas na 2 taon.

At hindi naging madali iyon. Isipin mo na isiniksik sa loob ng 2 taon ang sandamukal na mga pagsubok, problema at pahirap. Pero naniniwala naman ako na walang matulis na espada ang dadaan sa nagbabagang apoy. Kaya lang, nararamdaman ko na ang rurok ng lahat ng mga maaaring mangyari sa akin ay magaganap ngayong taon. Sana lang hindi ako tuluyang matunaw.
Eh basta, handa ako.

***

Dalawang Biyernes nang humahabol ako sa bus. Tuwing umuuwi na lang ako, pagbaba ko ng dyip, eksakto na nasa ibabaw na ng flyover ang bus na biyaheng Balagtas. At talaga naman, tatakbo ako buhat ang ‘maleta’ ko papunta doon sa sakayan. Mabuti na lamang at medyo binabagalan nila.

Pero last Friday, aba’y talagang hinabol ko. Sumesenyas na ako, pero sige andar pa rin. Lang’ya talaga, pinahirapan pa ako. At siyempre sa laki at taba ko na ito, halos maubusan na ako ng hangin pag-upo sa bus. Sabay laklak ng tubig. Kulang pa, bumili pa ako ng dalawa.

Kelangan ko na talagang magehersisyo.

***

Noong Martes ng gabi, nagsimula na akong isulat ang masasabi ko na isa sa mga maaaring pinakamagandang essay o artikulo o kung anu man na naisulat ko. Hindi ko alam pero talagang nag-aalab ang aking damdamin sa bawat salita na aking sinusulat. Siguro, malaki ang epekto sa akin ng sinusulat ko na iyon. At malamang, marami ang magugulat at hindi lubos na maiisip na makakaya kong isulat iyon.

Dapat dati ko pa ginawa iyon, pero wala akong maisip na magandang dahilan par ituloy. Inisip ko rin ang mga posibleng consequences na maaaring idulot ng paglabas ko sa naturang artikulo. Medyo, kinakabahan ako pero excited ako na mambulabog ng lahat ng tao. Ngayon ko lang gagawin iyon. At malamang iyon na ang gagawin ko: ang mambulabog ng tao at magmulat ng lahat, lalo na ng mga kabataan ngayon. At siguro, ako na rin ang unang dapat mamulat sa ginawa ko na iyon.

Kung ano man ang ginawa ko na iyon. Malapit niyo itong makita at mabasa sa isa sa mga blog ko.
Mamulat ka sana.

***

Biyernes ng tanghali, bago ako umuwi, kumain muna ako sa Coop. Sa labas pa lang ng pinto, may naririnig na akong mga pananalita na hindi dapat naririnig sa loob ng kainan. May mga ewan na gumagawa ng eksena.

Siyet. How romantiks. Si lalake ay naghahayag ng kanyang pagmamahal kay babae habang si babae ay kilig na kilig habang may hawak na pulang rosas. Hindi man lang nahiya. Grabe, lahat ng tao nakatingin na sa kanila pero sige pa rin sila. Hindi rin nahiya sa katabi nila sa lamesa na kumakain. Grabe talaga.

Over to da max ang level naman ng pagmamahalan ng dalawa. Natatawa na lang ako sa mga linya ni lalake. Iyung mga tipong pang-kundiman at pam-pelikula lang. Siyet talaga. Hindi malaman kung kikiligin ka ba sa dalawa o maiinis o matatawa. Mabuti na lang at noong pumunta ako mukhang patapos na dahil kung hindi eh nawalan na siguro ako ng ganang kumain.

Sa lahat ba naman ng lugar, puwede namang doon sila sa may Sunken Garden para mas romantiks at wala na silang ibang tao na idadamay. Hay, nawa’y walang hanggan ang kanilang pagmamahalan. Amen.

(O baka inggit lang daw ako sabi ng isang bahagi ng aking konsensiya.)

***

Biyernes ng gabi. Nagda-drama na naman ako. Iyak na naman. Pero, iyak siguro ng ligaya (tears of joy?). Na matapos ang isang taon na puno ng iba’t ibang klase ng paghihirap, heto buhay pa ako. Patuloy na lalaban hanggang sa katapusan. (wow…)

Magmula nang halos araw-araw na kumakatok sa aking pintuan ang mga problema, wala na akong inisip kung hindi siyempre malagpasan ito at bumawi. Sa awa naman ng Diyos, nakakabawi din, pero pagkabawi ko pa lang ayan na naman ulit. Pero sige lang. Tuloy-tuloy pa rin. Walang atrasan. Kahit ano pa iyan, lalaban ako. (waAaAaw…)

***

Nagkaroon nga pala ng Student Council Elections dito sa UP Diliman o sa lahat ata ng campuses ng UP. Siyempre, wala ring gaanong pinagkaiba sa mga nasa national level. Batuhan ng putik. Siraan ng bawat isa. Pero siyempre, lahat ng ito ay natatapos din sa eleksyon. Ang mga estudyante din ang hahatol.

At iyun na nga noong Mar 6, eleksyon. Pero hindi ko maisip bakit ba hindi lahat eh bumoboto? Kung dito pa lang irresponsible na ang mga botante paano pa sa eleksyon sa bansa. Ipinapakita ba nito na walang pakialam ang mga estudyante sa kung sino ang magiging lider nila o talaga lang feeling nila it’s not their moral duty and obligation to exercise their right to suffrage? Hindi ko alam. Pero gusto ko malaman kung bakit.

Pero masaya na din ako sa kinalabasan ng resulta. Si Shahana Abdulwahid ang nananalong USC Chair mula sa STAND-UP at si Viktor Fontanilla bilang USC V-Chair mula naman sa ALYANSA. Iyan ang dalawang pinakamalaking partido dito at mahigpit na magkalaban sa eleksyon. Sabi ng kabila, wala naman silang mga programa para sa mga estudyante sabi naman ng kabila wala silang paninidigan at para silang pumapanig sa admin. Mga ganun. May isang partido pa iyung KAISA pero medyo bago pa lang sila at hindi pa gaanong ramdam ang kanilang presensya.

Pero anyway, binoto ko ang STAND-UP. Hindi nagtatago sa maskara ng neutralidad. Naninindigan. Tunay na palaban at tunay na para sa kapakanan ng lahat ng mga estudyante. Di gaya noong iba na masyadong mabulaklak ang mga pangako at iyung mga program nila parang hindi mo kakakitaan ng maturity. Para bang pambata. Children’s party kumbaga. Makulay. Masaya. Puro pantasaya. Pero hindi iyon ang kailangan natin. Kailanagan natin na makita ang realidad.

Realidad na tataas na ang tuition and other fees next year. Realidad na patuloy pa rin ang pagpigil ng admin sa pondo ng Kule. Realidad na gusto nang isapribado ng administrasyon ni Pangulong Arroyo ang lahat ng mga state colleges and universities sa buong bansa. Realidad na balang araw hindi na “premier state university” ang UP kundi “premier university” na lang dahil wala nang suporta na manggagaling mula sa gobyerno. Realidad na darating ang panahon na dahil sa pera ang mga matatalino at deserving na mga estudyante ay hindi na makakapag-aral.

In short, katapusan na ng UP.

Note: Delayed na masyado ang post na ito dahil March 11 ko pa ito ginawa. - Dennio

Labels:

posted by Anonymouse @ 3/29/2007 10:56:00 AM   0 comments

Buhay Ko

↑ Grab this Headline Animator


about me

blog readability test

Movie Reviews




Previous Posts
Archives
My Own Network

Chatbox

Counter

web site counters
Office Depot Coupon

Listings/Misc
Your Birth Month is March
You love life and exude an outgoing, cheerful vibe. Blessed with a great sense of humor, you can laugh at adversity. Your soul reflects: Respect, desire, and generosity Your gemstone: Aquamarine Your flower: Daffodil Your colors: White and light blue

Listed on BlogShares


My blog is worth $564.54.
How much is your blog worth?

Check PageRank

Your Life is 30% Off Track
In general, your life is going very well. You're quite happy with where you are and what you're doing. And even if you get a bit off course, you're usually able to get back on track easily.

You Are 33% Burned Out
You are a little burned out these days. You are mostly energized and happy, but you occasionally wear yourself down. Think about taking a personal day every so often. You work hard, and you deserve to give yourself a little break!

You've Changed 60% in 10 Years
You've done a good job changing with the times, but deep down, you're still the same person. You're clothes, job, and friends may have changed some - but it hasn't changed you.

You Should Be A Poet
You craft words well, in creative and unexpected ways. And you have a great talent for evoking beautiful imagery... Or describing the most intense heartbreak ever. You're already naturally a poet, even if you've never written a poem.

You Are 50% Weird
Normal enough to know that you're weird... But too damn weird to do anything about it!

Your Personality Is
Idealist (NF)
You are a passionate, caring, and unique person. You are good at expressing yourself and sharing your ideals. You are the most compassionate of all types and connect with others easily. Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings. You seek out other empathetic people to befriend. Truth and authenticity matters in your friendships. In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily. At work, you crave personal expression and meaning in your career. With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone. As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style. On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.

News Feed

Affiliates
15n41n1
 
 

Business Affiliate ProgramsCouponsPersonalsAdvertisingShopping