Noong isang linggo, bale noong Sunday, nagkaroon ng isang pagpupulong ang SPPC ng aming barangay. (Sub-Parish Pastoral Council). Naisip ko, matagal na ako hindi nakakapunta doon kaya sabi ko sasama ako. Naisip ko din, it's payback time. Matagal na kasi kami iniipit noong Katandaan sa amin. Ayaw ibigay ang pera. Dati nga may walk-out pang nalalaman noong malaman nila na maghahalal ng different set of officers para sa SPPC at hindi ia-adopt na lang ang dati nang Katandaan. Medyo naimbyerna ang ganda ng mga lola at nagalisan. Anyway, naisip ko na kung sakaling mabibigyan ako ng pagkakataong makapagsalita (bale member lang ako ng Commission on Mass Media), sasabihin ko kaagad na sana naman ibigay na ng Katandaan ang pera ng bisita para naman may magamit ang aming samahan. Paano ba naman isang taon na kami pero halos wala na kami proyekto na nagawa dahil sa wala ngang pera. Grabe talaga. Sasabihin ko na din na ipinagmamalaki ninyong isa kayong 'pansimbahang organisasyon' na ginagawa ninyo ito para sa Diyos pero ni ayaw naman ninyong magpakumbaba at magpaubaya. At may nalaman pa kami. Na kaya ayaw talaga bitawan ng Katandaana ng pera ay sa kadahilanang may katiwaliang nagaganap. Susme, simbahan na lang, pinagkakakitaan pa. Ang kakapal talaga ng mukha. Binababoy ang simbahan. Kunyari may nag-donasyon na 10,000. Pinalalabas nila na 5,000 lang ang nakuha nila. Tapos pa, taon-taon na lang, pataas ng pataas ang hinihingi nila para sa pista. Ngayon taon ata ay 300 na. Eh wala naman kami nakikita na pagbabago sa bisita. Saan napunta ang pera? At dati pa ulit noong medyo bago pa ang aming samahan, aba'y may nagpadala ng sulat sa Pangulo ng SPPC na galing daw diumano sa SPPC ng Sta. Cruz, Manila. Na kesyo labag daw sa Canon Law no. ek ek ang ginagawa namin. Pero palpaka ang ginawa nila. Kung hindi ba naman sila tanga, nakatatak sa sulat kung saan ito nanggaling. Malinaw na malinaw. "BULACAN, BULACAN." Ipinadala sa "BULACAN, BULACAN." Aba'y tingnan niyo nga naman talaga. Lahat ay gagawin dahil sa kasakiman. Anyway, iyung nabanggit ko na meeting sa umpisa. Hindi na ako pumunta. Kasi baka mamaya kung ano pa masabi ko at hindi na ako umabot pa ng buhay. Medyo kasi nagaalab ang damdamin ko noong mga oras na iyon. Hindi bale, malapit na kami magkaroon ng General Meeting. Doon na lang kami magtuos sa harapan ng lahat ng mga miyembro. Nawa'y maayos na din ang lahat. Nitong mga huling araw medyo magulo na naman ang buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lalo na rin pala kung anong org sasalihan ko: iyung Lakan ba o APSM? Iyung APSM sumali ako last sem pero nag-defer ako. In short tumakas. Eh ayaw ko eh. Basta wala nang paliwanag. Eh nagyon nangungulit na naman sila at may nagkataon pa na noong Thursday ata ay halos saan ako magpunta may isang taga-APSM ako na nakakasalubong na iniimbitahan ako na sumali. Ngayong sem, eh sensya na sa inyo ng mga taga APSM, next sem na lang ulit. Nauna kasi ako nag-sign up sa Lakan eh... Kaya ko sinasabi ito dahil malamang may taga-APSM ngayon na nagbabasa. Nahihiya na nga ako, nangako ata ako na sasali this sem pero hindi ko na naman tinuloy. Eh, basta po sa APSM pa din ako sasali. Pero wala muna po ako maipapangako ha? Eh sa Lakan, sige na nga itutuloy ko na. Ayoko naman na me dalawa na akong org na ini-indian. Sige tuloy na iyun. Pero siyempre wala ulit pangako na itutuloy ko hanggang katapusan kasi, naguguluhan na naman ako. Math na naman. Ang isinumpa ko nang subject last sem. Siguro eh iyung ilan sa mga nakakabasa nito ngayon ay maaalala iyung text message na ipinadal ko na minura at nilait ko na ang Math, at isinumpa lahat ng may pakana kung bakit isinilang ang Math sa mundo. At dahil isinumpa ko ang Math noong mga oras na iyun na nagre-review ako para sa finals. Eh himala naman dahil nakapasa ako at nagkaroon ng tsansa na makapag-removals. Naalala ko na bago magexam, 4 na oras ata ako nagintay at hindi ako kumain. Ewan. Fasting siguro para maawa si Lord. Eh, tumalab naman dahil pumasa nga ako. Pero, hindi ko pa rin makakalimutan iyun. Ang subject na talaga namang iniyakan ko. Siyet ka. At ngayon heto na naman si Math, pero sa tingin ko medyo ayos na ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasan na talagang ayawan ang Math. NAg-exam kami noong Sabado at medyo pakiramdam ko makaka-3 ako o kwatro o singko. Pero malamang na iyung kwatro. Hindi na ako umaasa pa na makak-uno o dos dahil dehins talaga kakayanin. Ewan ko ba eto na namang test namin, hindi ata lumabas ang mga nireview ko o guni-guni ko lang na nagreview ako. Kung alinman ang tama doon, wala ako pake. Basta pasado then babye. Last na. Mag-iiwan ako ng paborito kong quotation ni Margaret Mead. Kung hindi mo siya kilala, hanapin mo na lang dahil nakalimutan ko na din kung sino siya. "Never underestimate what a few committed individuals can do to change the world." Pagnilayan ang quote na ito. Labels: week events |