Sinubukan ko... ngunit mukhang bigo na ako. Hindi akalain na aabot ang lahat sa ganito. Biglaan ang lahat. Walang anumang senyales na darating ito. Pero naniniwala akong bahagi ito ng prosesong pagdaraanan namin para maging isang matatag na pamilya. Sana lang, matapos din ang unos. Kayo na po ang bahala sa amin. Ikaw lang ang pinaniniwalaan kong makakatulong sa amin. Alam ko na sa mga sandaling ito, hindi mo kami iniiwan gaya ng dati. Ikaw pa rin talaga ang aming sandigan. Sana bigyan mo kami ng lakas upang malampasan ang lahat ng ito. Sa kabila nito, nagpapasalamat ako sa iyo Panginoon at narito pa rin kami, nananalig sa iyo.
Amen. Labels: family, problems |